Alaalang
Ibinabad sa Surf Fabcon
Ika-anim
na araw na naman ng linggo
santambak
na labahan na naman ang nasa harap ko,
Kasing
dami ng alaalang iniwan mo
na
ngayo’y mistulang mantsa sa puso ko.
Ihihiwalay
ko na ang de-kolor sa puti
habang
tumutulo ang mga luha ko sa pisngi
Panalangin
ko’y ganito lamang din sana kadali
ang
ihiwalay ang luha ko sa ngiti
Mga
damit na puti’y sinimulan ko nang kusutin
at
pinigaan ng napakariin
Ngunit
mga ala-ala mo’y narito pa rin
Paano
ba ito maaalis sa akin?
Noon
akala ko’y ikaw at ako lang
Hindi
mapaghihiwalay ng kahit na ano man
Ngunit
bakit ngayo’y para na tayong mga bula sa
damit,
na
nawala agad sa ilang saglit
Sa
likod ng pakete ng Surf Fabcon
sinunod
ko ang bawat instruksyon
upang
sa mga damit wala nang matirang sabon
at
nang sa gano’n ala-ala mo’y tuluyan na ring matapon
Ibinabad
ko ang mga damit sa tubig na may Surf Fabcon
upang
maglaho na ang mga bakas ng kahapon
na
nagdulot ng di kanais-nais na amoy,
amoy
na minsang nagpakilig sa akin noon
Ibabad
ng limang minuto ayon sa instruksyon
upang
damit ay mag amoy bago
Mga
ala-ala mo’y akin ring ibababad sa pag-asa,
pag-asang
malilimutan din kita
Mas
matagal, mas mabisa
mas
mabango ang magiging resulta
Kaya
naman ako’y aasa
na
pag tapos nito, sa isip ko ika’y wala na.