Friday, August 3, 2012

Itak sa Puso ni Mang Juan







Itak sa Puso ni Mang Juan
Ni Antipas Delotavo


            Sa unang pagkakataong makita ko ang larawang ito, ako ay medyo naguluhan. Ngunit nang ito ay aking tinignang muli at sinuri, nakaramdam ako ng kalungkutan at galit.
            Nakaramdam ako ng lungkot sapagkat nakita ko rin ito sa mukha ni Mang Juan habang ang dulo ng isang letra sa salitang Coca-cola ay nakatutok sa puso niya. Marahil ang ipinapakita ng larawang ito, para sa akin; una, si Mang Juan ay isang uri ng Pilipino na labis na nalulungkot dahil sa kolonyalismo. Kolonyalismo dahil ang produktong coca-cola ay galing sa bansang Amerika na nakasanayan na nating mga pilipinong inumin. Ipinapakita lamang nito na kahit na ang ating bansa ay malaya na sa pananakop mula sa bansang amerika, napapasailalim pa rin nila tayo. Sapagkat tinanggap pa rin natin ng buo ang mga produktong dayuhan at mas tinangkilik pa natin ito. Sa palagay ko rin, isa si Mang Juan sa mga pilipinong may pakialam sa isyung tulad nito.  Isa siya sa mga pilipinong hindi nagbubulag-bulagan at hindi nagbibingi-bingihan sa isyu ng kolonyalismo sa ating bansa.
           Nabanggit ko rin kanina na nakaramdam ako ng galit at kaugnay din ito sa isyu ng kolonyalismo na napansin ko sa larawan, dagdag pa rito ay ang kulay pula na ginamit sa larawan. Sa aking palagay, ito ay naghahayag ng hindi lamang masidhing kalungkutan ngunit galit din. Galit marahil ang isa rin sa naramdaman ni mang juan sa nakita niyang kalagayan ng kaniyang bansa, dahil mas tinangkilik pa nito ang produkto ng iba kaysa sa sarili nitong produkto. Nakakagalit nga naman kung iisipin na makikita sa ating mga Pilipino na wala tayong pakialam sa mga bagay na ganito, bagkus mas natutuwa pa tayong magkaroon ng ibat-ibang produktong  mula sa ibang bansa. Marahil hindi lahat sa atin, ngunit karamihan sa ating mga Pilipino ay sadyang nagbubulag-bulagan lamang sa isyu ng kolonyalismo. Ngunit salamat na rin dahil mayroon pa ring mga pilipinong nais isigaw ang kanilang mga nararamdaman sa ibat-ibang paraan. Isa na nga rito ang taong gumuhit ng larawan na ito, si Antipas Delotavo na nais iparating ang kaniyang nararamdaman at hinaing sa bayan na kaniyang kinabibilangan.
           






No comments:

Post a Comment